REPAIR (Parausan Part 15)

PES Certified Hit
..

Nakatanaw si Mang Timoy sa bahay ng manugang. Nagtataka siya. Saradong sarado ito gayong ganap ng  ika-sampu ng umaga.

Nagbukas siya ng kanyang repair shop na nasa harapan ng kanilang bahay. Naisip nyang baka tinanghali lang ng gising si Vina. Nagwawalis ng bakuran si Nana Mimay, wala siyang pagkakataong silipin si Vina sa bahay nito.

Hinarap na lang nya ang washing machine na pinapaayos sa kanya ng isa ring kapitbahay. Nalibang siya sa lanyang ginagawa. Kung hindi pa siya tinawag ng asawa para mananghali ay hindi siya bibitaw sa kanyang mga ginagawa sa kanyang repair shop.

Hindi malaki ang kinikita nya sa shop. Pero nakalilibang ang paggawa doon. At dahil holiday, malaya nyang nagagawa ang dapat nyang kumpunihin sa kanyang shop nang araw na iyon.

“Pera na ito, mamaya,” sabi nya ng matapos ang ginagawa.

“Kanina pa kita tinatawag, lumamig tuloy itong sabaw,” sabi ni Nana Mimay ng umahon na siya mula sa kanyang repair shop.

“Kumain na ako, at alam ko namang hindi mo bibitawan ang ginagawa mo.” Sabi pa nito.

Mag-isa siyang kumain ng inihanda ng asawa na pananghalian. Malamig na nga ang sabaw ng tinolang manok. Pero mainit naman ang kanin mula sa rice cooker. Magana siyang kumain at kusa na nyang nilinis ang mesang pinagkainan at inilagay sa lababo ang mga plato at ang basong ginamit nya.

“Iwanan mo na lang sa lababo ang mga...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow